VIRAL NGAYON: Open Letter ng Netizen kay Reyes: Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas?


Ibinahagi ni Kristina Durano Gonza“Open Letter” ng isang netizen na si Kristina Durano Gonzales para kay Renato Reyes Jr.,nag-viral ngayon sa Social Media, Si reyes ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na madalas makita sa halos lahat ng kilos-protesta laban sa lahat ng pamahalaan mula pa sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan.

Sa kaniyang Facebook account sa pamamagitan ng bukas na liham, tinatanong nito ang kilalang aktibista kung wala na itong naging trabaho maliban sa pag-organisa ng mga rally tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Narito ang eksaktong laman ng liham ng isang netizen:

PARA SA IYO : MR. RENATO REYES, JR.

Wala ka bang naging ibang trabaho? Iyan lang pag organize ng mga rally sa mga bagong issue ng bayang Pilipinas?

Bata ka pa nuon, nasa kalye ka na, kahit sinong Presidente pa ang maupo nag ra rally pa rin kayo. Para ano ba ang mga rally niyo? Dahil ba iyan sa Ideology niyo or dahil sa pera na binabayad sa inyo? Kung sasabihin mo walang nag babayad sa inyo, saan niyo kinukuha ang mga pang gastos niyo sa pag gawa ng stage, sa pag arkila ng mga sasakyan? sa pag papakain sa mga sumasama sa inyo? sa pag bigay ng 300-500 na bayad sa kanila?

Hindi kami pinanganak ng panahon ni Mahoma, alam ng mga tao na lahat ngayon ay may katapat na Pera.

May pamilya ka ba? Paano mo sila binubuhay? May regular ka bang trabaho? Natapos ka ba ng college or under graduate dahil nag concentrate ka diyan sa pag ra rally ? Nakikita na kita, high school pa ako, iyang pag mumukha mo ang laging naka balandra sa mga rallies against the government. Walang issue na hindi niyo sinakyan.

Natapos na ako ng College, nakapag trabaho na rin at nakapag negosyo na rin, pero ikaw nandiyan pa rin sa kalye. Nawala na ba ang pangarap sa buhay mo? Inilaan mo na lang ba ang buong buhay mo sa pakikibaka? ano nga ba ang pinag lalaban mo? para sa bayan? pero sino ang nape perwisyo sa mga ginagawa niyong rallies di ba ang Bayan na sinasabi mong dahilan?

May edad ka na rin po, malapit na po siguro kayong magkarun ng Dementia or Alzheimer. tanungin po niyo ang sarili niyo, kung may asawa at mga anak kayo, nabigyan ba niyo sila ng panahon at pag mamahal? Sana isipin din niyo ang mga bagay na ito at huwag puro Ideology lang ang pina iiral niyo. Okey lang sana kung tamang Ideology eh.MAAWA KA SA SARILI MO, SA MGA ANAK MO, AT HIGIT SA LAHAT ... MAAWA KA SA BANSANG ITO NA MATAGAL NG NALUGMOK DAHIL SA MGA CORRUPT NA TAONG GOBIERNO, MAAWA KA DAHIL HALOS KALAHATI NG KABATAAN NATIN AY GUMON SA BAWAL NA GAMOT, MGA BUHAY NA PATAY! MINSAN, ISA-ISANTABI MO RIN ANG MGA IDEOLOGY MO, BIGYAN MO NG PANSIN ANG KAPAKANAN NG BAYANG PILIPINAS.

SALAMAT.

-Tintin Durano-









Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

YENG CONSTANTINO: akala ko crush ako ni Sam Milby kaya ko ininvite mag Bible Study, na-corner ako ng Lord kasi mahal niya ko!

LOOK: "We will survive as a Nation,Maybe God gave you the money but we have the brains" -Duterte

Pinakasikat na KPOP member sa BTS at Black pink,Kilalanin at alamin ang mga paborito at ideal type nila!