[READ FULL ARTICLE]: PRESIDENT DUTERTE seryoso sa pagsulong ng Federalismo sa Gobyerno!
“Change is coming” yan ang katagang tumatak sa isipan ng mga Pilipino dahil simula pa lamang ng kanyang pamumuno ay marami nang nagbago. Kasama sa pagbabagong ito ang pagpapahayag ni Pang. Duterte na nais nyang palitan ang sistema ng pamahalaan ng sistemang Federalismo.
Seryoso si President-elect Rodrigo Duterte na isulong ang Federalismo sa gobyerno. Ano nga bang mangyayari sakaling maipatupad ito.
Ang sistemenag Federalismo ay pinamumunuan ng isang Presidente (Central governing authority) na siyang namamahala para sa pangkalahatang pangangailangan ng bansa. Hahatiin ang Pilipinas, kung saka sakali, at tatawagin ang mga lugar bilang mga estado (constituent political units). Pinangungunahan ng Switzerland, Germany, the United States of America, Canada, Australia at India ang ganitong klaseng pamamalakad.
Ang kasalukuyang tanong sa sambayanang Pilipino, pabor ka ba o hindi na isakatuparan ang ganitong sistema sa bansang Pilipinas?
Ang sanhi ng kahirapan ay ang katamaran, korupt na pulitiko at kawalan ng kaalaman sa edukasyon. Kasalukuyang sistema man o Federalismo, hindi uunlad ang bansa kung tayo hindi tayo, mga Pilipino, magsisimula sa ating kani-kanyang sarili.
Gaya ng karamihang klase ng pamamahala, ang Federal at State Government ay parehong may tatlong sangay ng pamahalaan. Ang Ehekotibo (Executive) ang siyang nagpapatupad at nagtataguyod ng batas na tinatag ng Lehislatura. Pinamumunuan nito ng President o Prime Minister sa Federal Government at Governor o Premier sa State Government. Ang Lehislatura (Legislative) ang siyang nagdedebate at bumuboto sa mga batas na ipinakikilala. Pinamumunua ito ng Congress o Parliament sa parehas na estado. Ito ay maaaring unicameral o bicameral na kung saan ay binubo ito ng House of the Senate at House of Representatives. Ang Judiciary ang siyang nagbibigay kahulugan sa mga batas at nagpapasya na kung ang dalawang sangay pa ng pamahalaan ay kumikilos sa loob ng kanilang mga kapangyarihan. Sa Federal at State Government ay mayroong Supreme Court at Lower Federal Courts.
Hindi lamang sa pamahalaan nakasalalay at nakabatay ang patutunguhan o ikauunlad ng isang bansa kung di sa mga mamamayang nakapaloob dito. Sa sistemang Federal nakikita ni Pang. Duterte na may pag-asa o kakayahan pa ang Pilipinas upang maging isang ganap na maunlad na bansa sa Asya. Ang Federalismo ay isang sistema na nangangailangan ng mahaba-habang panahon para sa proseso. Walang pagbabago ang hindi nagsisimula sa mahirap na pakikibaka sa kasalukuyan tungo sa ikakaunlad ng sambayanan. Matalinong pagpapasya at disiplina sa sarili ang kailangang maintindihan ng maraming Pilipino dahil sa kalooban ng isang tao nagmumula ang matuwid at tunay na pagbabago.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento