READ FULL ARTICLE: DOJ Secretary Aguirre, kakasuhan si Hontiveros?




“Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon because that might be considered as a waiver on my part ng constitutional right ko. Mag-focus kami doon sa whether she violated my right to private communication,” ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre


Sa ilalim ng Konstitusyon ang Sandiganbayan ay isang special court na may hurisdiksiyon kaugnay sa kasong kriminal at civil case, kasama na rin ang graft and corruptions.
Sasampahan ng kasong wiretapping ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senator Risa Hontiveros sa Sandiganbayan kasunod ng ginawa nitong paglabag sa kanyang ‘privacy’.
Gayundin, maghahain si Justice Secretary Aguirre ng civil case sa Regional Trial Court at hihingi ng danyos. Bukod pa sa ethics complaint na ihahain niya sa Senado.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Aguirre sa panayam sa Radyo Inquirer na ‘private communications’ ang text messaging at anumang hindi otorisadong ‘intrusion’ ay maituturing na ilegal.
Dagdag pa ni Justice Secretary Aguirre, dumalo siya sa senate hearing dahil inirerespeto niya ito bilang isang institusyon kaya nakalulungkot na malalabag lamang ang kaniyang privacy habang dumadalo sa pagdinig.
Iginiit ni Aguirre na pribadong usapan ang text messages at maituturing iligal ang hindi awtorisadong panghihimasok.
Ito ay makaraang isapubliko ni Hontiveros ang larawan ng umano’y palitan ng text messages sa pagitan ni Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.
Nabatid na una nang ipinakita ni Hontiveros ang larawan ng screen ng cellphone ni Aguirre kung saan kausap nito ang isang “Cong. Jing” para umano i-expedite ang kaso laban sa Akbayan senator. 
Maituturing aniyang paglabag sa Anti-wiretapping act ang pag-picture sa kaniyang cellphone habang siya ay nagte-text.Sa kaniyang privilege noong Lunes, nanawagan si Hontiveros na bumaba sa pwesto si Aguirre.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

YENG CONSTANTINO: akala ko crush ako ni Sam Milby kaya ko ininvite mag Bible Study, na-corner ako ng Lord kasi mahal niya ko!

BREAKING NEWS: "What I’m afraid of is the wrath [of] God. It’s always God that counts" -President Duterte

LOOK: "We will survive as a Nation,Maybe God gave you the money but we have the brains" -Duterte