Duterte binisita ang mga sundalo sa Marawi kasabay ng pagbulagar sa mga politikong sumusuporta sa Maute ISIS Group


Muling bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.Sa ika-apat na pagkakataon para sa mga sundalong nakikipaglaban sa Maute-ISIS group sa Marawi City kamakalawa ng hapon at nangako ito ng libreng Hong Kong trip sa sandaling matapos na ang krisis na likha ng terorista.


Ang pagbisita ng Pangulo sa naturang lungsod ay kasunod ng anunsyo ng Malacañang na nasa huling yugto na ang rebelyon sa Marawi.
Galit si Pangulong Duterte sa Matrix na ginagawa ng ibang politiko na susumusuportang pinansyal sa marawi. Gayunpaman, hindi muna pinangalanan ng Pangulo ang mga politkong sangkot dito.
Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, pumunta si Pangulong Duterte sa Grand Islamic Mosque at Mapandi Bridge.
Dito niya kinausap ang tropa ng pamahalaan at binigyan ang mga ito ng goodies.
Pinuntahan din ng Pangulo ang mga lugar na na-clear na ng mga militar.
Samantala, sa huling tala ng militar, sumampa na sa 844 ang bilang ng namamatay sa halos apat na buwang sagupaan sa Marawi.
Mula sa naturang bilang, 655 na ang namatay sa hanay ng mga terorista, 147 naman sa panig ng mga tropa ng pamahalaan at 46 naman ang mga sibilyan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson brigadier General Restituto Padilla, papalapit na nang papalapit sa dulo ang kaguluhan sa lungsod na dulot ng ISIS-inspired Maute Group.
HABANG abala ang mga raliyista sa Metro Manila, mas pinili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling dalawin ang mga sundalo o tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa teroristang Maute sa Marawi city.
Muli ding pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na nagsasakripisyo kasabay ng pagpapataas ng morale ng mga ito.

Muli namang ipinaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang saludo at pasasalamat sa mga sundalong lumalaban sa gulo sa Marawi City


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BREAKING NEWS: Proyektong Laguna Lakeshore Expressway ni Pang.Duterte binuksan Na!

LOOK: "We will survive as a Nation,Maybe God gave you the money but we have the brains" -Duterte

YENG CONSTANTINO: akala ko crush ako ni Sam Milby kaya ko ininvite mag Bible Study, na-corner ako ng Lord kasi mahal niya ko!