GOOD NEWS: 5,000 trabahador kailangan sa Qatar ayon sa POEA
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Halos 5,000 trabaho sa bansang Qatar ang bukas para sa mga manggagawang Pinoy.
tuloy-tuloy ang pagkakaroon ng job opening sa Qatar dahil kaliwa't kanan ang mga proyekto doon bunsod ng pagiging host ng Qatar ng Fifa World Cup sa 2022.
Sa kabila nito, marami ang nangamba na matitigil ang mga proyekto dulot ng pagputol ng Saudi Arabia at apat pang Gulf countries ng diplomatic at economic ties sa Qatar.
Hindi pa rin nareresolba ang isyu na nagsimula pa noong Hunyo.
Pero ayon sa POEA, mukhang hindi apektado ang ekonomiya ng Qatar kung pagbabasehan ang dami ng job openings sa bansa.
Nasa 1,700 Qatari rials o mahigit P23,000 ang alok na suweldo para sa mga welder at iba pang construction worker.
Mahigit P80,000 o 6,000 Qatari rials naman ang sahod kapag mechanical engineer o electrician.
Pinaka-in demand pa rin ang nurses na maaaring sumahod ng 3,200 Qatari rials o P40,000 pataas.
Kabilang sa mga trabahong bukas sa Qatar ang mga sumusunod:
- Nurse - 1,882
- Electrician/ship electrician - 1,389
- Mechanical engineer – 497
- Carpenter – 313
- Laborer – 266
- Mason – 220
- Welder – 151
- Foreman – 61
- Mechanic – 61
- Plasterer – 24
tuloy ang pagkakaroon ng job opening sa Qatar dahil kaliwa't kanan ang mga proyekto doon bunsod ng pagiging host ng Qatar ng Fifa World Cup sa 2022.
Nakalagay din sa www.poea.gov.ph kung sino-sino ang mga accredited recruitment agency na humahawak sa mga job order.
Paalala naman ng POEA, hindi na kailangang pumunta pa sa kanilang opisina ang mga aplikante para sa Qatar jobs dahil makikita ang lahat ng ito sa kanilang website.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento